Showing posts with label General Education - Filipino. Show all posts
Showing posts with label General Education - Filipino. Show all posts

LET Reviewer - General Education || Filipino Part 2

1. Hindi totoo ang katapangan na ipinapakita ni Vincent sa harap ni Lalie sapagkat BAHAG ANG BUNTOT niya sa harap ng paghihirap.
A. Matapang
B. Matiyaga
C. Duwag
D. Malakas ang loob

Answer: C

2. NAG-ALSA BALUTAN si Claudia dahil sa malimit umanong pananakit ni Reymar.
A. Lumayas
B. Nagtampo
C. Nagtago
D. Nagmaktol

Answer: A

3. Ang ________________ ng mga Nars ay dininig ng komite kahapon.
A. Pakiusapan
B. Pakikipag-usap
C. Ipakiusap
D. Pakiusap

Answer: D

4. Lumapit si Prink kay Eadji at sinabing, “ __________ mo si Landon ng pagkain sa kusina.”
A. Utusan
B. Kunin
C. Kunan
D. Hanapan

Answer: C

5. Nakatulog si Jana sa kanilang opisina dahil sa HIMINGTING ng kapaligiran. Ano ang kahulugan ng salita na nasa malalaking letra?
A. Kaingayan
B. Kapayapaan
C. Lakas ng hangin
D. Katahimikan

Answer: D

6. Ang sentro ng pagdiriwang ng SENTENARYO ay sa Kawit, Cavite. Ang kasing-kahulugan ng salitang nasa malalaking letra ay:
A. Ika-50 taon
B. Panghabang panahon
C. Ikasandaang taon
D. Ika- 25 taon

Answer: C

7. “Ang sinuman ay makabubuo ng matibay na lubid kung pagsasama-samahin ang sinulid.” Ang ibig sabihin nito ay?
A. Ang lakas ng tao ay nasa pagkakaisa nila.
B. Kailangan magkaisa tayong lahat.
C. Magkakaiba ang mga tao kaya hirap magkaisa.
D. Nagkakaisa ang mga tao.

Answer: A

8. MALIIT ANG SISIDLAN ni Dian kaya iniiwasan siyang tuksuhin ng mga kasama. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Walang pasensya
B. Walang pagtitimpi
C. Walang galang
D. Walang lakas ng loob

Answer: A

9. Siya’y isang bulag ngunit kaya niyang gumuhit ng larawan. Siya’y isang ___________________
A. Imbentor
B. Manunulat
C. Dalubhasa
D. Pintor

Answer: D

10. Anong hukuman ang siyang _____________ ng mga kaso ng korupsyon.
A. Court of Appeals-manglilitis
B. Sandigan Bayan-naglilitis
C. Korte Suprema-maglilitis
D. Ombudsman-tagapaglitis

Answer: B

11. _________________ mo naman sa kanila na magdala ng mapagsasaluhan.
A. Usap-usapan
B. Usapin
C. Ipakiusap
D. Pakiusap

Answer: C

12. “Gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito ay may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan.” (Luk 16:9)
Ano ang kahulugan ng sanlibutan?
A. Mga israelita lamang
B. Apostoles
C. Dukha
D. Katauhan

Answer: D

13. Ano ang pangungusap na dapat mauna?
I. Ngunit ang pagtatalo ay hindi dapat nauuwi sa pagkakagalit.
II. Natural lamang ang pagkakaroon ng magkakaibang pala-palagay ang mga tao.
III. Sa mga mag-asawa man ay hindi maiiwasan ang pagkakaiba ng opinyon.
IV. Kahit sa magkakapatid, karaniwan na ang hindi pagkakasundo.
V. Upang maiwasan ito, nararapat lamang na maging bukas ang ating isipan sa paniniwala ng iba.

A. I.
B. II
C. III
D. IV

Answer: B

14. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang na kasingkahulugan ng salitang pala-palagay?
A. Opinyon.
B. Kuru-kuro
C. Paniniwala
D. Akala

Answer: C

15. May pera sa basura. Huwag mong pagtakhan iyan. Isa-isahin mo ang laman ng iyong basurahan. Tiyak na may papel na walang sulat sa likod at maaari mo pa itong sulatan. Kung minsan, may mga papel at notebook na may sulat pero pwede mo namang ipagbili. May mga bukas na lata na maaari mo rin namang tamnan o kaya’y pwedeng balutin ng wrapping paper upang paglagyan ng lapis, bolpen, krayola, aspile o kaya’y pako. Ang pinagbalatan ng sibuyas, patatas at saging, sanga ng kangkong, tira-tirang pagkain ay maaaring maging pagkain ng baboy at maaari rin itong maging pataba sa lupa. Tunay na may pera sa basura kung magtitiyaga lamang at magiging malikhan upang ang patapong mga bagay ay maging kapaki-pakinabang. Anong uri ng texto ang seleksyong binasa?
A. Informativ
B. Argumentativ
C. Prosijural
D. Narativ

Answer: A

16. ____________ magtrabaho sina Fred at Jose.
A. Magkasinbilis
B. Magkasingbilis
C. Napabilis
D. Magkasimbilis

Answer: B

17. Samahan mo si Lola sa palengke _____ hindi maligaw.
A. kung saan
B. noong
C. ng
D. nang

Answer: D

18. Upang lalong maging ______________ ang patakaran ng Pangulo na mabago ang pamamalakad sa bansa, ipinasya niyang magkaroon ng pagbabagong tatag sa lahat ng sangay ng pamahalaan.
A. marangal
B. mabisa
C. tanyag
D. malinaw

Answer: B

19. Nakalulungkot isipin na ang karamihan sa mga kabataan ngayon ay ______________ sa masamang bisyo.
A. nababalisa
B. nalalayo
C. nabubuyo
D. nababalot

Answer: C

20. ________ ng mga pulis ang kadena sa kanyang mga kamay.
A. Nalagyan
B. Nilagyan
C. Inilagay
D. Naglagay

Answer: C

 


 

LET Reviewer - General Education || Filipino Part 1

1. Sinabi ni Carlos P. Romulo sa isa niyang akda, “Ang Pilipino ay may dugong maharlika.” Ano ang kahulugan nito?
A. Ang Pilipino ay nanggaling sa malayang lahi
B. Ang Pilipino ay sadyang mabuti ang budhi.
C. Ang Pilipino ay galing sa mayamang lahi
D. Ang Pilipino ay madaling maipagbili

Answer: A

2. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?
A. Ang mga kabataan sa lansangan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan.
B. Ang kabataan ay naglalaro kung maliwanag ang buwan at nagtatakbuhan sa lansangan.
C. Ang mga kabataan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan kung maliwanag ang gabi.
D. Ang mga kabataan kung maliwanag ang buwan ay nagtatakbuhan sa lansangan at naglalaro.

Answer: C

3. Piliin ang gawi ng pagsasalita: Kasiyahan ko nang makitang kayo’y nagmamahalan.
A. Pangarap
B. Pagkontrol ng kilos
C. Pagkuha ng impormasyon
D. Pagbabahagi ng damdamin

Answer: D

4. Ang kaugnayan ng pagkakapatay kina Burgos, Gomez at Zamora sa panitikang Pilipino ay
A. Nanatiling masigla ang diwang Pilipino
B. Nakagising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino
C. Natutong lumabag sa batas at lumaban sa may kapangyarihan ang mga Pilipino
D. Naimpluwensyahan ang diwang alipin ng mga Pilipino

Answer: B

5. Laging UMUUKILKIL sa isipan ng ama ang nasirang pangako ng anak.
A. Sumasagi
B. Gumugulo
C. Bumubuhay
D. Sumasapi

Answer: B

6. Ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas ay gulong-gulo kapag may giyera sa ibang bansa. Ano ang unang ginagampanan ng ambassador ng bansa?
A. Bilangin ang mga nasugatan at nasawi
B. Alamin ang mga tirahan ng mga Pilipino sa bayang iyon.
C. Ipunin ang mga maykaya at ipalipad pauwi.
D. Bayaang magsipag-uwian sa sariling sikap ang bawat isa

Answer: B

7. Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Bumili ng bagong sasakyan si Angelo”?
A. Pokus sa direksyon
B. Pokus sa kagamitan
C. Pokus sa sanhi
D. Pokus sa aktor

Answer: D

8. Kabaliwan at paglulustay ang inyong ginagawa taon-taon. Higit na marami ang maralitang nangangailangan ng salapi at dunong. Ang nagsasalita ay
A. Kuripot
B. Matipid
C. Maramot
D. Praktikal

Answer: D

9. Nasa anong kaganapan ng pandiwa ang pangungusap? Naglaro ng basketball sa Rizal Stadium ang koponan ng aming pamantasan.
A. Sanhi
B. Tagaganap
C. Kagamitan
D. Ganapan

Answer: D

10, Sa aling salita magkakaroon ng saglit na paghinto kung pinagpipilitang si Rose ang nakabasag ng pinggan? Hindi si Rose ang nakabasag ng pinggan.
A. Rose
B. Hindi
C. Nakabasag
D. Pinggan

Answer: B

11. Anong tayutay ang tinutukoy sa pahayag. Durog ang katawang bumagsak sa semento si Miguel.
A. Pagtutulad
B. Pagbibigay katauhan
C. Pagmamalabis
D. Pagwawangis

Answer: C

12. Sino ang pinagkalooban ng karangalan bilang “Unang Tunay na Makata” noong 1708?
A. Jose dela Cruz
B. Felipe de Jesus
C. Francisco Balagtas
D. Jose Corazon de Jesus

Answer: B

13. “Magtatrabaho ako at ikaw ay mag-aaral upang makatapos ka ng pag-aaral.” Anong uri ng pangungusap ito?
A. Payak
B. Tambalan
C. Hugnayan
D. Langkapan

Answer: D

14. Mag-aalas-singko na _____ umaga _____ magising siya.
A. ng – ng
B. nang – nang
C. ng – nang
D. nang – kapag

Answer: C

15. Ang butong tinangay ng aso, walang pagsalang nalawayan ito. Ang kaisipang ito ay tumutukoy sa katotohanan ng ______.
A. Pagnanakaw
B. Pagtatanan
C. Pagpapakasal
D. Pakikipagkaibigan

Answer: B

16. Anong uri ng pagbigkas ang salitang “dambuhala”?
A. Malumi
B. Mabilis
C. Maragsa
D. Malumay

Answer: A

17. Ang katawagan sa pangngalan, pang-abay, pang-uri at pandiwa ay?
A. Palabuuan
B. Pangkayarian
C. Pangnilalaman
D. Palaugnayan

Answer: C

18. Ang panukalang inihain niya ay lubhang malalim at mahirap arukin.
A. Abutin
B. Unawain
C. Sukatin
D. Tanggalin

Answer: B

19. Ang wikang Filipino ay hawig sa mga wika sa Asya. Alin dito ang pinagmulan ng wikang Filipino?
A. Bahasa
C. Nihonggo
D. Mandarin
D. Malayo-Polinesyo

Answer: D

20. Ano ang katumbas ng “Dekalogo” ni Apolinario Mabini na nagsasaad ng aral sa Filipino?
A. Mosaic Law
D. Code of Ethics ni Kalantiaw
C. New Society ni Pres. Marcos
D. Code of Citizenship ni Pres. Quezon

Answer: A

21. Siya ay hinirang na taga-sensus ng bahay-bahay. Ano ang kanyang nalikom?
A. Ang bilang ng tao sa bahay
B. Ang kayamanan ng may-bahay
C. Ang datos tungkol sa mga bata sa bawat bahay
D. Ang datos tungkol sa mga naninirahan sa bawat bahay

Answer: D

22. Kami ang kabataang siyang magiging pag-asa ng bayan. Paano ginamit ang salitang may salungguhit?
A. Pagtukoy
B. Pagpuri
C. Panghalip
D. Pagmamalaki

Answer: A

23. Walang tubig kahapon. Ito ay pangungusap na:
A. May paksa
B. Walang pandiwa
C. May panaguri
D. Walang paksa

Answer: D

24. Ipinagmamalaki mo siya, BAHAG naman pala ang kanyang BUNTOT. Ang ibig sabihin ng salitang may malaking titik ay:
A. Kuripot
B. Traydor
C. Duwag
D. Mahiyain

Answer: C

25. Sabihin ang gawi ng pananalitang ito: “Bawal tumawid, may namatay na dito!”
A. Pananakot
B. Pagtukoy
C. Babala
D. Paalala

Answer: C

26. Pinakamahalagang nobelang Pilipino sa maraming taon na nalimbag noong 1906 at tumalakay nang masinsinan sa paksang puhunan laban paggawa at sa sosyalismo ang _____.
A. Luha ng Buwaya
B. Banaag at Sikat
C. Ibong Mandaragit
D. Pangginggera

Answer: B

27. Ayon kay Balagtas, “ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad” kaya ang mga bata ay
A. jeproks
B. nag-aartista
C. nakapagtatapos sa pag-aaral
D. hindi sumusunod sa magulang

Answer: D

28. Noong taong 1962, ano ang pagbabago sa paglimbag ng diploma at sertipiko ng pagtatapos?
A. Pinahihintutan ang pribadong paaralan na maglimbag sa wikang Ingles
B. Nilimbag sa Tagalog ang diploma sa di-Tagalog na bayan
C. Nilimbag sa Filipino ang diploma ngunit may Ingles
D. Nalimbag sa Filipino ang diploma

Answer: D

29. Ang gintong panahon ng mga manunulat noong panahon ng Amerikano ay batid sa uring
A. Sanaysay
B. Nobela
C. Panulaan
D. Maikling kwento

Answer: D

30. Alin sa mga sumusunod ang may wastong gamit ng tinig ng pandiwa?
A. Ang hinog na papaya na kinuha sa puno ni Marie.
B. Kinuha ni Marie ang hinog na papaya sa puno.
C. Kinuha sa puno ang hinog na papaya ni Marie.
D. Papayang hinog ang kinuha sa puno ni Marie.

Answer: B